Black Clover
Black Clover Creator:
Anime: Yūki Tabata
Date Release:
Anime: October 3, 2017
Manga: June 4, 2015
Anime Genre:
Adventure fiction, Fantasy, and Action.
Black Bull
(ブラックブル )Kuro no Bōgy
Ang Black Clover ay isang Japanese manga series na isinulat ni Yuki Tabata. Ang series na ito ay na-serialized sa Shueisha’s Weekly Shonen Jump magazine noong February 2015 na mayroong 29 volumes. Ang kwento ay umiikot kay Asta, isang binatang walang taglay na kapangyarihan. Ito ay hindi normal sa mundong ginagalawan niya sapagkat ang mundong ito ay isang lugar kung saan lahat ng tao ay may taglay na kapangyarihan. Kasama ang kanyang mga kapwa mage sa Black Bulls, inaasam ni Asta na maging susunod na Wizard King.
Ang series ay umiikot kay Asta, isang lalakeng lumaki sa ampunan kasama si Yuno. Habang ang lahat ng tao ay isinilang na may kakayahang gumamit ng mana o tinatawag na Magical Power, si Asta na walang magic ay mas sinasanay at hinahasa ang kanyang pisikal na lakas. Kabaliktaran naman nito si Yuno, na ipinanganak na nagtataglay ng napakalakas na magic power at may talento upang kumontrol ng wind magic.
Sumali si Asta sa grupong Black Bulls at si Yuno naman ay sumali sa grupong Golden Dawn sa anime na ito ay aabangan ang kanilang kwento at ang kanilang mga abilidad na kanilang makukuha sa kanilang pag lalakbay.
▼ Featured Article ▼
Grimoire
Ang Grimoire ay isang libro na nagpapahintulot sa isang user nito na mag-cast ng mga magic spell dahil sa Grimoire at napapalakas ang mga abilidad o mas lalong lumakas ang kanilang taglay na abilidad. Ito din and isa sa mga pangunahing requirements bago makapasok sa pagiging Magic Knights...
▼ Trivia ▼
Black Bull Base
Ang base ng grupong Black Bulls ay nagsisilbin na ring headquarters kung saan naninirahan ang lahat ng miyembro nito. Ang headquarters na ito ay nasa anyo ng isang malaki at mataas na bahay o gusali. Ang gusaling ito ay binubuo ng maraming palapag ...
Please comment now.