One Punchman
My Hero Academia Creator:
Written by: One
Illustrated by: Yusuke Murata
Date Release:
Anime: December 4, 2015
Manga: December 12, 2012
Anime Genre:
Comedy, Action, Superhero fiction, Martial Arts.
One-Punch Man
(ワンパンマン ) Wanpanman
Ang OnePunch Man ay ay isang Japanese superhero franchise na nilikha ng artist na ONE. Ang kwentong ito ay tungkol kay Saitama, isang superhero na may kakayanang talunin ang sinumang kalaban sa isang solong suntok lamang. Siya ay kasalukuyang naghahanap ng isang karapat-dapat na kalaban sa kabila ng kaniyang pagkainip mula sa kakulangan ng pagkasabik sa isang tunay na laban. Ito ay dahil sa kanyang taglay na labis na lakas. Sinulat ng One ang orihinal na bersyon ng webcomic noong unang bahagi ng 2009.
Nagsimulang mailathala ang isang digital manga remake noong Hunyo 2012. Ang manga ay isinalarawan ni Yusuke Murata at ang mga kabanata nito ay unti-unting pinagsama-sama at nai-publish. Hanggang noong Enero 2021 ay 23 na volume ang pinakawalan. Sa Hilagang Amerika, binigyan ng lisensya ng Viz Media ang muling paggawa ng manga para sa wikang Ingles at na-serialize sa lingguhang Shonen Jump digital magazine.
Ang anime adaptation ng manga na siyang ginawa ng Madhouse ay nai-broadcasr sa Japan mula Oktubre hanggang Disyembre 2015. Ang pangalawang season naman nito na ginawa ng JC Staff, ay nai-broadcast mula Abril hanggang Hulyo 2019. Ang serye ng anime ay lisensyado sa Hilagang Amerika ng Viz Media at nag-premiere sa Estados Unidos noong Hulyo 2016, samantalang ang ikalawang season naman ay noong Oktubre 2019.
Hanggang noong Hunyo 2012, ang orihinal na webcomic ay nalampasan ang 7.9 milyong mga hit. Hanggang Abril 2020, ang manga ay naibenta higit sa 30 milyon mga kopya.
▼ Featured Article ▼
Heroes Association
Ang Hero Association ay ang namamahala sa lahat ng hero sa buong bansa ng anime, itinatag ng isang multi-millionaire na nagngangalang Agoni kung saan ang kanyang apo ay nailigtas ng isang taong napadaan lamang mula sa isang misteryosong nilalang. Pagkatapos na marinig ang tungkol sa insidenteng ito ay sumagi sa kanyang isip ang National Superhero Registry at tuluyang itinatag ang Hero Association gamit ang pon...
▼ Trivia ▼
Disaster Level
Mayroong limang lebel ng panganib na ginagamit ang Hero’s Association na sumasaklaw mula sa mga tao, ang buong siyudad hanggang sa buong mundo. Batay dito, ang Hero Association na rin ang magsasabi kung ano ang mas mainam na grupo ng mga bayani ang ipapadala sa mga lugar na ito depende sa kung anong threat...
Please comment now.