Google Ads

Sukuna's finger in Jujutsu Kaisen Is Now Edible

Sukuna's finger in Jujutsu Kaisen Is Now Edible

Nagbebenta ngayon ang Premium Bandai ng mga chocolate mold na hango sa daliri ni Ryōmen Sukuna's isa sa mga character ng Jujutsu Kaisen anime. Ang daliri ay gawa sa chocolate at ang kuku naman ay gawa sa almond. Ginawa ito ng nasabing korporasyon para sa mga fans ng Jujutsu Kaisen pwedi na itong kainin at gumawa ng sariling bersyon.

Sinimulan ng Premium Bandai ang pagbebenta ng mga hulmahan ng daliri ni Sukuna mula sa Jujutsu Kaisen para sa lahat ng mga gustong bumili ng kawangis nito. Ang bawat hulma ay maaaring gumawa ng limang mga daliri at nagkakahalaga ito ng 3870 JPY (humigit-kumulang na $ 35). Gayunpaman, mabibili ang hulmahan mula sa Japanese Premium Bandai website at hindi sa USA.

IBinangit ng Premium Bandai na ang hulmahan ay gawa sa silicon rubber. Nangangahulugan ito na ligtas na gamitin at walang epikto sa kalusugan ang mabubuong tsokolate. Bilang karagdagan inirekomenda ng Premiun Bandai ang paggamit ng isang toasted almond kung saan ang kuko ay parang isang makatotohanang daliri.

Ang Jujutsu Kaisen ay isa sa pinakamabentang serye ng manga umabot ito at humigit sa 50 milyong kopya kasali narin dito ang digital version. Ang anime ay tumakbo mula noong Oktubre 2020 hanggang sa Marso 27, 2021 makikita ito sa mga streaming service tulad ng Crunchyroll at iba pa.

Ang Ryōmen Sukuna's ay isa sa pangunahing mga kalaban ng Jujutsu Kaisen at kilala bilang King of Curses. Ang kanyang mga daliri ay isa sa mga sikat at pinaka mahalagang elemento mula sa palabas na ikalat ang kanyang mga daliri matapos siya natalo noong 1,000 years ago. Sa buong kwento ang protagonist na si Yuji Itadori ay kaylangan kainin ang lahat na daliri ni Sukuna upang mawala o matapos ang King of Curses sa mundo ng mga tao.

Tags

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.