Ang Author Ng Bleach Ay Nagsagawa Ng Exhibit Upang Gunitain Ang 20th Anniversary
Ang pinakaunang exhibit ng Bleach manga ay nagbukas na sa Shibuya Hikarie building sa lungsod ng Tokyo noong December 18 at mananatili ito hanggang sa January 16.
Ang exhibit na ito ay kumakatawan ng mailawalas na simula ng manga kasabay ng paggunita ng 20th anniversaty nito. Binubuo ito ng pinakabagong 76-page chapter ng manga na naipublish sa magazine noong August 10, kabilang na dito ang mga komento at repleksyon ni Tite Kubo na siyang may gawa ng manga sa kanyang mga artwork kung ikukumpara ito sa original na manga.
Mas maganda umanong bisitahin at personal na makita ang exhibit na ito ayon sa mga nauna nang mga panauhin kung saan sila ay nakapag video base sa mga ilustrasyon ng mga characters ng Bleach na iginuhit ni Kubo. Ang mga video ay iprinisenta na may kasamang rock music mula kay singer-songwriter na si Tatsuya Kitani na umayon naman sa vibe ng Bleach manga.
Ito ang kanilang promotional video para sa kanilang exhibition:
Sa main part ng exhibit na ito tatahakin ng panauhin ang mga major arcs ng manga. Magsisimula ito sa isang tula. Sa unang parte ipapakita ang iilang linya o dialogue ng mga karakter na tumatak sa isip ng tao, upang ipakita na ang exhibit na ito ay hindi para lamang sa pagpresenta ng mga artwork ni Kubo kundi pati na rin ng kanyang artistic sensibilities. Mapapansin rin sa kanyang exhibit na may kanya-kanya siyang playlist para sa iba’t-ibang karakter ng manga.
Sa isang banda, ang exhibit na ito ay maaaring magsilbing advertisement para sa official fanclub ni Tite Kubo na “Klub Outside”. Ang mga miyembro ng fanclub na ito ay bumoto para sa kanilang paboritong karakter at labanan na meron sa manga, at ito ay ipinakita rin sa exhibit. Ang nanalo bilang pinakapaboritong laban sa manga ay ang laban sa pagitan ni Ichigo at Ulquiorra. Isang daang miyembro ng fanclub ang naimbitahan sa live drawing at Q&A session kasama mismo si Kubo upang gunitain ang pagsisimula ng exhibit. Patuloy sa pagguhit si Kubo ng mga makabagong artwork at design materials para sa Bleach na kailanman ay hindi ipinakita sa publiko.
Ang mga komento ni Kubo patungkol sa exhibit na ito ay masasabing pranka. Isa sa mga komentong namumukod-tangi o ganap na kapansin-pansin ay nang kanyang sabihin na dahil sa sobrang liit ni Toshiro Hitsugaya ay kinailangan niyang iguhit ito sa foreground upang hindi ito magmukhang mas maliit kumpara sa normal nitong taas. Mayroon rin siyang mga komento kung saan sinasabi niyang nagustuhan niya ang artwork na iyon at naka-frame pa mismo sa kanyang tahanan. Nasabi niya ring dahil sa tagal niyang gumuguhit para sa Bleach at sa dami ng iba’t-ibang uri ng illustrations sa mga nagdaang taon ay mahirap ring panatilihin ang creativity kung kaya’t masarap sa pakiramdam na gumuhit ulit ng isang artwork na makokonsiderang memorable para sa kanya.
Ang anime na Bleach ay isinulat at inilarawan ni Tite Kubo ginawa ang serye sa loob ng labinlimang taon sa Shueisha's Weekly Shōnen Jump noong August 7, 2001 at noong October 5, 2004 ay naisagawa ang anime film nito adapted by Pierrot Studio, inilabas sa telebisyon ang 366 episodes at nag tapos ito noong March 27, 2012.
Source Link
tnx for the info.
ReplyDeletePlease comment now.