Ang Part 2 ng Chainsaw Man Manga ay ilalabas na sa Shonen Jump ngayong 2022
Isiniwalat ni Tatsuki Fijimoto na gumawa ng Chainsaw Man noon Jump Festa ’22 event ang kanyang pangalawang bahagi ng kanyang manga na Chainsaw Man. Makikita ito sa Shonen Jump website this coming 2022.
Ang manga na ito ay hinirang bilang ika 13th manga Taisho awards in 2019 at naging #4 din ito sa ‘This Manga is Amzing!’. Nanalo ang manga sa kategoryang Best Shonen Manga sa ika-66 na Shogakukan Manga Awards noong Enero. Bukod pa rito, nanguna ang manga sa Kono Manga ga Sugoi! 2021 na listahan para sa mga lalaking mambabasa. Nanalo ang manga ng Best Manga award sa The Harvey Awards noong Oktubre.
Salamat sa dark-comedy, brutal violence at sa mahuhusay na karakter nito, mabilis na naging matagumpay at nakilala sa buong mundo ang serye ito.
Opisyal na natapos ang manga noong huling bahagi ng 2020, ngunit ang bagong impormasyon tungkol sa potensyal na petsa ng paglabas ng Chainsaw Man part 2 ay naibahagi na ngayon.
Sa Part 2 ng Chainsaw Man manga ay itutuon na ngayon sa kay Denji sa kanyang pag-aaral at dito ay ma susubukan nya balansehin ang kanyang responsibilidad bilang Chainsaw Man kasabay nito ang mga panganib na kanyang haharapin.
Japanese animation MAPPA studio ay inilabas ang first trailer anime adaptation ng dark fantasy manga na Chainsaw Man noong June 27, 2021.
Content
1. Kailan ilalabas ang Part 2 manga ng Chainsaw Man?
2. Plot Summary
2.1 Share this post:
Official Date Release ng Part 2 manga ng Chainsaw Man
Noong December 14, 2020, kasunod ng paglabas ng chapter 97, opisyal na nakumpirma na ang manga Chainsaw Man ay babalik na!.
Ipapalabas ang Chainsaw Man Part 2 sa Summer 2022, gaya ng nakumpirma sa Jump Festa 22′ event, ngunit hindi pa naibahagi ang isang partikular o kongkretong petsa.
Noong December 3rd, 2021, ang Unofficial Weekly Shonen Jump sa Twitter page ay ipinakita nila na ang part 2 ng manga na chainsawman at anime adaptation ito ay ipapalabas sa 2022.
Ang isang pang-promosyonal na video para sa part 2 ng manga
ng Chainsaw Man ay inilabas din:
Chainsaw Man anime trailer hit 10 million views on Twitter! 🥳
— AnimeTV チェーン (@animetv_jp) November 22, 2021
Let's wait patiently for the new information! https://t.co/5QHf90eQHX
Plot Summary
Nang mamatay ang kanyang ama, si Denji ay nabaon sa malaking utang at walang paraan upang mabayaran ito. Salamat sa isang Devil dog na iniligtas niya na nagngangalang Pochita, nabubuhay siya sa mga kakaibang trabaho at pagpatay sa mga Devils para sa Yakuza. Magagamit ang mga kapangyarihan ng chainsaw ni Pochita laban sa malalakas na demonyong ito. Nang ipagkanulo siya ng Yakuza at napatay siya ng Zombie Devil, isinakripisyo ni Pochita ang kanyang sarili upang iligtas ang kanyang dating amo. Ngayon si Denji ay isinilang na muli bilang isang uri ng kakaibang Devil-Human hybrid. Isa na siyang Chainsaw Man!
Ang article na ito ay may update follow natin ang Facebook Page ng “AnimeSitePH” para sa mga anime news tulad nito.
Please comment now.