Si Jiji Yanami na sikat sa ating mga Pinoy na naging voice actor ni Kaiosama ay pumanaw na.
Gaya ng iniulat ng Nikkan Sports, pumanaw ang beterano sa industriya ng anime noong Disyembre 3 sa edad na 90. Ang kanyang talent agency na Aoni Production ay nag-anunsyo ng balita ng kanyang pagpanaw sa Japanese press sa isang pahayag na nagpahayag ng pasasalamat sa trabaho at kabaitan ni Yanami.
Malaki ang inambag ng actor sa ating mga pinoy lalo na sa mga mahilig sa anime. Ginampanan nya lamang ang pagiging voice actor ni Kaiosama at ibang pang mga character sa Dragon ball.
Si Yanami ay ipinanganak noong Agosto 31, 1931. Siya ay bahagi ng RKB Mainichi Broadcasting at Tokyo Actor's Consumer's Cooperative Society bago sumali sa Aoni Production.
Inanunsyo ng Aoni Production Company ang kanilang pakikiramay tungkol sa pagkamatay ni Joji Yamani ito ang kanilang mga pahayag at itoy aming inilipat sa wikang tagalog.
“Namatay ang ating aktor na si Joji Yanami noong 10:59 pm noong December 3, 3rd year at 10:59 pm. Nais naming ipahayag ang aming lubos na pasasalamat sa iyo para sa iyong kabaitan noon panahong siya ay nabubuhay…”
Content
1. Isa sa mga pinaka popular na nagawa ni Yanami?
2. Mga voice acting roles na kanyang ginampanan?
3. Reaksyon ng mga tagahanga ng Dragon Ball sa pagkamatay ni Joji Yanami.
3.1 Share this post:
Mga boses ni Joji Yanami kay Kaiosama.
Isa sa mga pinaka popular na nagawa ni Yanami na anime character na kanyang pinag bibidahan ay si Kaiosama. Ito ay isa sa mga clip ng video ng kanyang mga nagawa sa Dragon Ball Z
Nakilala si Yanami sa kanyang trabaho sa serye ng anime ng Dragon Ball, kung saan siya ay naging bahagi mula noong premiere nito noong 1986. Si Yanami ay nagsilbing tagapagsalaysay ng serye, at naging voice actor din ng ilang mga orihinal na karakter ng anime kabilang ang ama ni Bulma si Dr. Briefs. Patuloy din na nagsilbi si Yanami bilang tagapagsalaysay ng serye sa pangalawang anime adaptation nito. kung saan ginampanan din niya ang papel ni King Kai o Kaiosama isang guro ng martial arts na tumutulong na sanayin si Goku at ilan sa kanyang mga kaibigan.
Ginampanan ni Yanami ang parehong King Kai (North Kaiō/Kaiō-sama) at ang Tagapagsalaysay sa serye ng anime sa telebisyon ng Dragon Ball, ang serye at pelikula sa telebisyon ng Dragon Ball Z, at sa serye ng Dragon Ball GT gayundin sa Dragon Ball Super.
Mga voice acting roles na kanyang ginampanan.
Isa sa mga sikat na anime na kanyang binigyang buhay gamit ang kanyang boses ay sina Totosai ng Inuyasha, Momen ng Gegege no Kitarō, Boodle at Gan Fall sa One Piece, Chūta Ban sa Kyojin no Hoshi, Gennosuke Yumi sa Mazinger Z at Gennai sa Digimon.
Maliban sa pagiging Narrator nya sa Dragon Ball ginampanan nya din na mag kasabay sila Dr. Briefs at Babidi sa anime na ating nabangit.
Narito ang reaksyon ng mga tagahanga ng Dragon Ball sa pagkamatay ng voice actor na si Joji Yanami.
Jōji Yanami, the voice of the narrator and the North Kaiō-sama in the Dragon Ball franchise, has passed away at age 90. He will always live in our memories. Rest in peace. pic.twitter.com/FQCQ1TkaA7
— Dragon Ball Perfect Shots (@DBPerfectShots) December 14, 2021
The Japanese voice actor from King Kai (Jōji Yanami) passed away at the age of 90.
— Rénaldo サイヤ人 (@Renaldo_Saiyan) December 14, 2021
Rest in Peace...🙏 pic.twitter.com/nJcPpwNGp3
Falleció Joji Yanami, el narrador y seiyu de KaioSama en #DragonBallZ #DragonBallSuper y Totosai en Inuyasha #Yashahime 😭😭😭😭😭 pic.twitter.com/sNys1HpX4V
— Sora Jaeger (@sora_02) December 14, 2021
Ang voice actor na si Joji Yanami ay may humigit-kumulang 201 na credits mga 45 sa mga ito ay kabilang sa mga proyekto ng Dragon Ball. Kinilala rin si Yanami sa pagganap sa maraming mga end-credit sequence ng anime katulad ng Yatterman ng 1977 at Time Bokan noong 1975.
Please comment now.