Google Ads

Tokyo Revengers Anime Draken Japanese Voice Actor Change

Pinalitan Ang Japanese Voice actor na si Tatsuhisa Suzuki Dahil sa Pakikiapid

Pormal nang inanunsyo ng mga producers ng Tokyo Revengers sa kanilang official website na mapapalitan na ng bagong voice actor ang karakter ni “Draken” Ryuguji. Ang dating gumanap na voice actor nito na si Tatsuhisa Suzuki ay nagpasya na magkakaroon ng mahabang ‘hiatus’ mula sa publiko. Sa ngayon, hindi pa napagpasiyahan kung sino ang siyang papalit bilang voice actor ni Draken at opisyal itong magbago sa parating na series na “Christmas Showdown Arc”.

Lumabas ang anunsyong pagha-hiatus ni Suzuki matapos mapag-alaman na diumano mayroon itong karelasyon na 20-anyos na fan. Kasal si Suzuki sa kaniyang maybahay na si LiSA, isang popular na singer at mas nakilala dahil sa kanyang mga kanta na anime soundtracks, at ang pinakapopular dito ay ang Demon Slayer OST na “Gurenge”. Matapos mailabas ang scandal ukol dito ay parehong nag-anunsyo ng hiatus kahit kababalik pa lamang sa pagtatanghal ni LiSA.

Iniwan na rin ni Suzuki ang ilang mga anime na dapat ay kinabibilangan niya, iilan dito ay ang The Misfit of Demon King Academy, ang ikalawang season ng Ultraman sa Netflix, at ang Pokemon anime. Nanatili naman siya sa kanyang role sa Free! Iwatobi Swim Club at inaasahang magpapatuloy bilang voice actor ni Makoto hanggang sa matapos ang dalawang finale movies nito. Ang kaniyang bandang, OLDCODEX, na siyang nagperform ng iilang soundtrack ng series ay kamakailan lang ring nag anunsyo ng disbandment pagkatapos ng final Free! movie.

The official statement wrote:

We want to announce that Tatsuhisa Suzuki, who until now played the role of Ken Ryuguji (Draken), will be replaced after a series of talks between the production committee and the voice actor’s office. The cast and staff are already working together to produce the new season of the anime.

Ang Tokyo Revengers ay tungkol sa istorya ni Takemichi Hanagaki, isang 20-anyos na lalakeng nagising nalang bigla na at nalaman na siya ay bumalik sa nakaraan para baguhin at itama ang kanyang mga pagkakamali, at iligtas ang kanyang childhood sweetheart na si Hinata Tachibana. Bumalik siya labindalawang taon mula sa kasalukuyan at siya ay nasa kanyang edad at katawan ng mga panahong iyon. Gamit ang kaniyang mga kaalaman mula sa kasalukuyan, pinasok niya ang popular na Tokyo Manji gang na pinamumunuan ng lider nitong si Manjiro “Mikey” at ng kanyang kanang-kamay na si “Draken” Ryuguji.

Ang animated series nito ay base sa manga na isinulat ni Ken Wakui. Ang series ay ilalabas sa pamamagitan ng Seven Seas Entertainment sa buwang ng Mayo 2022. Ang unang season ng Tokyo Revengers anime ay maaaring mapanood sa Crunchyroll.

Source: CBR

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.