Attack On Titan Vs One Piece, Labanan ng Dalawang Anime sa IMDb Rating Nauwi sa Bangayan
Ang bangayan sa pagitan ng dalawang fanbase ay isang normal na bagay na nakasanayan na sa industriya ng anime at gayundin ang mga tao sa nakalipas na ilang taon. Ngunit mas lumalala ang tensyon kapag nagiging mainit ang talakayan kung saan nagiging isa na itong ‘toxic battlefield’ ng mga fans ng dalawang fandom. Ganito mismo ang nangyari sa pagitan ng mga fans ng Attack On Titan at One Piece.
Noong Enero 9, ipinalabas ng Attack On Titan ang unang episode ng Season 4 Part 2 na pinamagatang 'Judgement'. Ang episode ay isang blockbuster dahil na-crash nito ang Crunchyroll at iba pang mga streaming server sa sandaling mailabas ito. Ngunit mayroong hindi nagustuhan ang katanyagan na ito ng AOT (Attack on Titans) at naglunsad ng kampanya na siyang simula ng lahat ng tensyon sa pagitan ng dalawang fandom.
Maliban sa marahas na mga salitang ito patungkol sa Attack On Titan franchise, nagshare rin ng iilang screenshots ang twitter user kung saan makikita ang IMDb ratings na 1star sa unang episode ng AOT Season 4 Part 2. At dito na nga nagsimula ang ‘toxic’ na bangayan sa pagitan ng mga fans ng dalawang sikat na anime.
Pagkatapos nito, ang mga fans naman ng AOT ang siyang pumunta at nagbigay ng 1-star IMDb review sa latest episode ng One Piece (Episode 1005) na nagresulta sa 6.1/10 overall ratings sa IMDb. Halos umabot sa 43% ng mga users ang nagvote ng 1-star sa 2,600 na bumoto sa 1005th Episode ng One Piece.
Hindi pa dito nagtatapos ang bangayan dahil kasabay nito, ang fans naman ng One Piece ang gumawa nito sa lates episodeng AOT Season na may pamagat na “Sneak Attack” at nakakuha ng pagkadami-daming 1-star ratings. Sa loob ng 12, 300 votes na bumoto ay 12% lamang sa mga ito ang negatibo na hindi gaano nakaapekto sa overall ratings at nagresulta lang sa 9.4/10.
Kung sakaling hindi mo alam, ang Imdb ay isa sa pinakasikat na website kung saan makakahanap ka ng impormasyon tungkol sa mga pelikula, anime, at mga palabas sa TV. Ang Imdb ay mayroon ding rating system kung saan maaaring i-rate ng isang user ang kanilang paboritong episode ng palabas mula 1 hanggang 10. Ngunit tila ang ilang mga anime fan ay maling ginagamit ang feature na ito para mag-spam ng 1-star rating sa One Piece at Attack on Titan na mga mas bagong episode.
Narito ang Official rating ng One Piece 1200 peaople rated 1 star:
Narito ang Official rating ng Attack on Titan 1,600 users rated 1 star:
Kasabay nito ay tinawag rin ng ibang anime fans ang Attack On Titan na mid, overrated at masyadong marahas para panoorin ng mga tao. Parehas na nagbabatuhan ng mga negatibong komento laban sa isa’t-isa ang dalawang fanbase na parang mga bata. At sa pagitan ng tensyon ng One Piece fans at Attack On Titan, pati ang fanbase ng Demon Slayer at Boruto ay nadamay na din sapagkat umabot na sa review section nito ang ibang fans.
Gayunpaman, pinapakiusapan naming ang bawat isang fan ng magkabilang fandom na itigil na ang bangayan, galit, at gawing respetuhin ang parehong shows imbes na pasabugin ng 1-star rating at punuin ng mga negatibong komento ang mga review section nito. Kung hindi niyo magawang respetuhin ang show ay isipin niyo na lamang ang mararamdaman ng mga taong nagsumikap sa likod ng mga shows na ito. Bigyan ng respeto ang creators at animators ng anumang shows na nagsumikap para mabigyan tayo ng ‘the best’ na content.
Please comment now.