Google Ads

My Dress-Up Darling Trending on Social Media Platform

My Dress-Up Darling Sumikat sa Social Media Platform

Sumikat sa Social Media ang anime na gawa ni Shinichi Fukuda na My Dress-Up Darling, naging usap-usapan ito dahil sa taglay na kagandahan na meron ang main character na si Marin Kitagawa.

Makikita sa facebook ang mga reviews ng kanyang pag-angat noong inilabas ang episode 2, makikita ang alindog na meron itong si Marin dahil sa kanyang sexy look nang siya ay sinukatan ni Wakana Gojou para sa kanyang mga damit na susuotin.

Ang mga tagahanga ay maraming taon na naghihintay para sa anime adaptation nito at sa wakas ay nasagot ang kanilang mga panalangin nang opisyal na inihayag ang anime adaptation noong April 2021. Dahil dito ay may isang bagong character na naman ang maidagdag sa mga anime waifu list na gusto ng mga tagahangang lalaki.

Narito ang isa sa mga scene na makikita sa episode 2 nito:

Nakumpirma na sa Twitter na ang My Dress-Up Darling anime ay nakatakdang tumakbo para sa 12 Episodes simula January 9, 2022, hanggang Match 26, 2022. Isang bagong episode ang ipapalabas tuwing Linggo ng 12:00 am.

Countdown ng Episode 3

NOTE: Maaaring maantala ang mga incoming episode nito dahil sa hindi mga inaasahang pangyayari.

Plot Summary

Si Wakana Gojo ay isang first-year high-school student na nangangarap na maging isang Hina doll craftsman. Isang araw sa kanyang unang semestre, nakita siya ng kanyang sikat na kaklase na si Marin Kitagawa na gumagawa ng mga costumae na manika sa silid ng paaralan. Si Marin, na matagal nang gustong mag-cosplay at naobserbahan ang husay ni Wakana sa pananahi, hiniling sa kanya na gumawa ng costume ng isang character mula sa isang video game na kanyang hinahangaan. Sa kabila ng katotohanan na si Wakana ay walang karanasan sa paggawa ng isang kasuotan o pang-cosplay at dito mag sisimula ang kanilang kwento.

Tags

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.