Google Ads

My Hero Academia's New Stage Play Runs in 3 Cities in April and May

New Stage Play of My Hero Academia premieres in 3 cities this coming April and May 2022

Inanunsyo ng official website noong December 26 ang tungkol sa new stage play adaptation ng My Hero Academia manga na magsisimula ito sa darating na April 9-10 sa Kanagawa, April 22-24 naman sa Osaka, at April 29-May 8 naman sa Tokyo. Naglabas din ng promotional video ang site na ito para sa isasagawang play. Ito ay tinawag na “My Hero Academia The ‘Ultra’ Stage: The Symbol of Peace”.

Ang “My Hero Academia: The ‘Ultra’ Stage: PLUS ULTRA version” play ay inilabas noong December 3-12 sa Tokyo Dome City Hall at sa Tokyo Gekijo naman noong December 24-26. Nagbalik naman bilang director ng play si Tsuneyasu Motoyashi, Hideyuki Nishimori bilang scriptwriter, Shunsuke Wada bilang compose, at Takuya Shiono bilang choreographer.

Inasahang itatanghal ang play sa Tokyo Dome City Hall noong July 2020 ngunit kinumpirma ng production committee na isa sa mga kabilang sa production ay nagpositibo sa COVID-19. Matapos ang ilang araw, mayroon pang isa sa mga ito ang nagpositibo na dahilan kung bakit tuluyang naantala ang play.

Ang ikalawang stage play na “My Hero Academia: The ‘Ultra’ Stage: A True Hero” ay orihinal na ipapalabas sana noong March at April 2020. Halos lahat ng nakatakdang pagtatanghal na ito ay nakansela dahil sa paglaganap ng COVID-19. My Hero Academia: The ‘Ultra’ Stage: Honmono no Hero PLUS ULTRA version ay ang kumpletong version ng play. Iprinisenta dito ang mga antagonist na sina Dabi, Toga Himiko, at Twice.

My Hero Academia: The ‘Ultra’ Stage ay ang pinakaunang stage play ng manga na itinanghal noong April 2019 sa Tokyo at Osaka. Nagstream online naman ang ‘Live Viewing Japan’ ng play na ito noong August 13 hanggang 19.

Ini-launch ni Horikoshi ang superhero manga series sa Shueisha’s Weekly Shonen magazine noong July 2014. Ngayon ay ang Viz Media at ang MANGA Plus ang nagpupublish ng English manga nito.

Tags

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.