Samurai X Gets New Stage Musical Opens in May 2022

Rurouni Kenshin o Samurai X Stage Musical Magbubukas na ngayong May 2022

rurouni-kenshin-visuall

Ang stage musical ng Rurouni Kenshin ‘Kyoto Arc’ na likha ni Nobuhiro Watsuki ay magsisimula nang itanghal sa IHI Stage Around Tokyo mula May 17 hanggang June 24.

Ang musical na ito ay nakatakda sanang simulant noong November 2020 ngunit nakansela dahil sa pagkalat at banta ng COVID-19 virus. Ang director at mga sponsor ng stage musical ay nagdesiyon matapos ang iilang mga diskusyon ukol dito na pansamatanlang kanselahin ang stage musical at gawing prayoridad ang kaligtasan ng kanilang nasasakupan mula sa mga staff, cast, at maging ang mga magiging audience.

Si Teppei Koike ay siyang gaganap bilang protagonist ng Rurouni Kenshin manga na si Kenshin Himura. Ang sumulat ng Takarazuka stage musical noong 2016 at stage play noong 2018 na si Shuichiro Koike ang siyang magiging director ng gaganaping musical. Continue Reading

Narito ang kanilang official banner para sa kanilang show:

rurouni-kenshin-visuall-min-image

Unang inilabas ni Nobuhiro Watsuki ang kaniyang manga na may 28 na volume sa Shueisha Weekly Shonen magazine noong taong 1994. Ang manga ay may naitalang 72 million copies na benta sa buong mundo. Ang storya ng manga na ito ay nakasentro kay Kenshin Himura, isang hindi matatawaran sa galing na assassin noong panahon Meiji Restoration, na nagsusumikap makahanap ng bagong simula at bagong buhay.

Hindi lamang stage musical ang na-adapt ng manga na ito kundi pati na rin sa TV anime series na mayroong 95 episodes. Bukod pa dito ay mayroon rin itong anime movie, tatlong original video anime projects, limang live-action films, at ang stage musical na tinanghal ng Takarazuka Revue. Ang manga ay magkakaroon rin ng panibagong TV anime project sa LIDEN FILMS.

Ang Rurouni Kenshin Saishusho The Final live-action film ay nagbukas noong April 2021 sa Japan at ang Rurouni Kenshin Saishusho The Beginning live-action film naman ay nagbukas noong June 2021.

Plot Summary:

Ang "Rurouni Kenshin" ay itinakda noong panahon ng Meiji ng Japan at sinusundan ang kuwento ng isang dating assassin na ngayon ay balak niyang baguhin ang kanyang pamumuhay at kalimutan na ang kanyang pagiging assassin ang main character dito ay nagngangalang Kenshin Himura.

Maligayang pagdating sa Panahon ng Meiji. Ang Japan ay isang lupain na nakakaranas ng mga panahon ng kaguluhang walang kapayapaan, pagkatapos ng isang mahabang digmaan at madugong labanang sibil. Ang mga espada na ginagamit upang kumitil ay ipinagbabawal, ngunit hindi lahat ay bastang makakalimot sa nakaraan. Nakakubli sa mga anino at sa kanilang mga kalooban ang maraming sakit at galit na dahilan upang hintayin ang kanilang pagkakataon para makipag higanti.

Tanging ang ayaw sa goberno at dating mamamatay-tao na si Kenshin Himura ang makakapagpanatili ng kapayapaan. Iniwan at kinalimutan ni Kenshin ang buhay ng "Battousai The Man Slayer" at nag-set off bilang isang wanderer. Ang kanyang mga paglalakbay ay humahantong sa Kamiya Dojo kung saan natuklasan niya ang pagkakataong magsimula muli at baguhin ang buhay kasama ang kanyang mga bagong kaibigan.

Source: animenewsnetwork

Tags

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.