Slam Dunk
Slam Dunk Creator:
Written by: Takehiko Inoue
Date Release:
Anime: October 16, 1993
Manga: October 1, 1990
Anime Genre:
Comedy, Coming-of-age story, Sports
Slam Dunk
(スラムダンク) Suramudanku
Ang Slam Dunk ay isang serye na galing sa isang manga na may temang larong Basketball na isinulat ni Takehiko Inoue, isang anime na may genre na sports at tungkol ito sa isang team na mula sa Shohoku High School ng Japan. Ito ay unang inilabas sa Weekly Shonen Jump sa Japan noong 1990 hanggang 1996 at kasama ang Toei Animation nai- broadcast sa buong mundo ang anime na ito. Tinangkilik ng mga tao ang serye, partikular sa Japan at lalo na sa Pilipinas, ginawan ng tagalog ang anime na Slam Dunk na mas lalong ikinasaya ng mga pinoy fans.
Ang anime na Slam Dunk ay nakasentro sa main character na si Hanamichi Sakuragi na nagsimula bilang isang delingkwenteng mag-aaral at naging isang leader ng isang gang. Simula middle school itong si Hanamichi ay laging basted sa mga babae na kanyang nililigawan. Gayunpaman nakilala niya si Haruko Akagi ang babaeng pinapangarap niya at kanyang iniibig. Masaya siya dito sa tuwing kasama niya si Haruko.
Isang araw na silang dalawa ay magkasama ipinakilala niya kay Sakuragi ang larong basketball, dito nagulat si Haruko at sinabihang sumali siya sa basketball team ng iskwelahan. Pinasok ni Hanamichi ang larong basketball upang mag pasikat sa kanyang minamahal na si Haruko at lampasuhin ang kanyang karibal na si Kaede Rukawa ang star rookie at isang “Habulin ng mga Babae”, na isa sa kinaiinisan ni Hanamichi. Sa Shohoku team ay kasama niya ang ex-junior high scholl MVP (Most Valuable Player) na si Hisashi Mitsui, isang maliit ngunit mabilis na manlalaro na si Ryota Miyagi ang number 7 ng team , at ang captain ng basketball team na si Takenori Akagi ang number 4 at nakakatandang kapatid ni Haruko.
▼ Featured Article ▼
Sino si Sakuragi Hanamichi
Si Hanamichi Sakuragi ay ang pangunahing bida ng seryeng Slam Dunk. Siya ay gumaganap bilang isang Power Forward para sa Shohoku High School basketball team.Dati si Sakuragi ay isang delingkwente sa high school, na marunong lang makipaglaban, at hindi sikat sa mga babae, dahil madalas siyang tinang...
▼ Trivia ▼
Sakuragi Gang
Ang Sakuragi's Gang, na kilala rin bilang “The Sakuragi Legion” Ang Gang ni Sakuragi ay may limang miyembro na binubuo si Hanamichi Sakuragi, Yohei Mito, Chuichirou Noma, Yuji Ohkusu, at Nozomi Takamiya. Sa kabila ng kanilang katapatan at pagpayag sa pag-aalok ng isang kamay sa tuwing maginhawa, madalas...
Please comment now.