Top 10 Best and Famous Characters in Naruto Anime

Top 10 Anime Characters na Sumikat sa Naruto

Masasabing napakaraming magagaling na karakter ang meron sa Naruto. Ang mga sumusunod ang ilan sa natatanging karakter na napalapit sa puso ng mga manonood Top 10 best Characters in Naruto.

10. Shikamaru Nara

Si Shikamaru Nara ay isang shinobi ng Konohagakure. Madalas mang tinatamad at walang ganang gumawa ng mga bagay-bagay ay mayroon naman siyang taglay na pambihirang talino at lakas ng pag-iisip na siyang nagagamit niya upang magtagumpay sa mga labanan.

Ang mga responsibilidad na resulta ng mga tagumpay na ito ay kanya na lamang tinatanggap para na rin sa ikabubuti ng Team Asuma at para mapatunayan ang kanyang sarili sa mga dati at bagong henerasyon.

9. Uchiha Shisui

Sailor Moon

Si Uchiha Shisui ay isang miyembro ng Anbu ng bayan ng Konoha. Nagtapos sa Ninja Academy si Shisui habang nangyayari ang Ikatlong Shinobi World War. Agad siyang pinasok sa isang team ng mga genin kasama ang kanyang matalik na kaibigan. Isang taon mula noon ay nasaksihan ni Shisui ang pagkamatay ng matalik na kaibigan sa isang misyon na siyang gumising sa kaniyang Mangekyo Sharingan.

Kalaunan ay nakilala niya ang limang-taon na si Uchiha Itachi na kanya ring naging matalik na kaibigan at tinuring niyang isang kapatid. Dahil sa kanyang taglay na galing sa paggamit ng Body Flicker Technique ay binansagan siyang “Shisui the Teleporter” o “Shisui of the Body Flicker”.

8. Jiraiya

Si Jiraiya ay isa sa tatlong legendary Sannin ng Konoha. May papel man siya bilang isang tanyag na ninja ay kilala rin siya bilang isang “manyak” sa kanilang bayan. Napagpasyahan niyang lakbayin ang ibat-ibang sulok ng mundo upang maglibot at makakuha ng kaalaman na makakatulong sa kaniyang mga kaibigan. Ang iba sa mga kaalamang ito ay kaniyang inihahayag sa pamamagitan ng pagsulat ng mga nobela. Ngunit ang halos lahat ng mahahalagang kaalaman ay para maipasa niya sa kaniyang estudyanteng si Naruto Uzumaki.

Noong nasa Ninja Academy ng Konoha pa lamang si Jiraiya ay napabilang siya sa isang team kung saan kasama niya si Tsunade Senju at Orochimaru na siya ring kasama niyang naging Sannin. Ang kanila namang team leader ay si Hiruzen Sarutobi na kalaunan ay siyang naging Ikatlong Hokage ng Konoha.

7. Might Guy

Si Might Guy ay isang shinobi na master ng Taijutsu. Hindi man makagamit ng Genjutsu at Ninjutsu ay masasabing iba at napakalakas ng kaniyang taglay na galing sa Taijutsu. Maging ang ama ni Kakashi Hatake na isa ring magaling na shinobi ay nakapansin sa galing at pagpupursige ni Guy na siyang magdadala sa kanya sa tagumpay at maaaring malampasan ang galing ni Kakashi.

Noong Ikaapat na Shinobi World War kung saan kinalaban ni Guy si Uchiha Madara ay idineklara mismo ni Madara si Guy na pinakamagaling na shinobi na nabubuhay na pweding tumapat sa kanyang lakas.

6. Uchiha Sasuke

Si Uchiha Sasuke ay isa sa mga natitirang miyembro ng angkan ng Uchiha. Matapos ubusin ng kanyang nakatatandang kapatid na si Itachi ang kanilang angkan, ginawa niyang misyon sa buhay ang pagtugis at pagpatay kay Itachi upang maipaghiganti ang kanyang buong angkan kabilang na dito ang kanilang mga magulang.

Kabilang si Sasuke sa miyembro ng Team Kakashi o Team 7 kung saan kasama niya sina Naruto at Sakura. Dahil sa kanyang kagustuhang lumakas ay umalis siya sa Konoha upang mapabilis ang kanyang hinahangad na mapatay ang kanyang kuya na si Itachi.

5. Uchiha Obito

Si Uchiha Obito ay isang shinobi na inaakalang namatay noong Ikatlong Shinobi World War. Ang tanging naiwang buhay ni Obito ay ang isa niyang sharingan na kanyang ibinigay sa kanyang kaibigan na si Hatake Kakashi bago pa siya lagutan ng hininga. Ang totoo ay nailigtas siya noon sa kamatayan ni Uchiha Madara. Sinanay siya ni Madara at tuluyang minana ang paniniwala at mga plano nito.

Nagpakilala bilang si Tobi at ginamit rin niya ang pangalan ni Madara. Kinontrol niya ang Akatsuki at ginamit ang mga ito upang unti-unting maisagawa ang plano ni Madara at mangyari ang Ikaapat na Shinobi World War. Sa gitna ng pakikipaglaban sa Ikaapat na Shinobi World War ay nag-iba ng damdamin si Obito at pinagsisihan ang kanyang mga nagawa. Dahil dito, kaniyang isinakripisyo ang kanyang buhay para sa Konoha na ayon sa kanya ay dapat noon pa niya ginawa.

4. Kakashi Hatake

Si Kakashi Hatake ay isang shinobi ng Konoha at nakilala bilang Kakashi of the Sharingan. Siya ay isa sa mga pinakamagagaling na shinobi ng Konoha. Lagi niyang itinuturo sa kanyang mga estudyante sa Team 7 ang kahalagahan ng teamwork. Natutunan niya ito mismo noon kasabay ng pagtanggap niya ng Sharingan mula sa kanyang matalik na kaibigan na si Uchiha Obito.

Matapos ang Ikaapat na Shinobi World War ay siya ang naging Ikaanim na Hokage bilang pagkilala na rin sa hiling ng kanyang namayapang kaibigan na si Obito na siyang may pangarap na maging Hokage mula pa noong pagkabata.

3. Madara Uchiha

Si Madara Uchiha ay ang legendary leader ng angkan ng mga Uchiha. Siya ang isa sa mga nagtatag ng bayan ng Konohagakure kasama ang kaniyang kaibigan at karibal mula sa pagkabata na si Hashirama Senju na naglalayong magsimula ng panibagong panahon na may kapayapaan. Noong hindi magkasundo ang dalawa kung paano matatamasa ang kapayapaang ito ay naglaban ang dalawa para sa posisyon ng pagiging lider ng Konoha kung saan nagresulta sa pagkamatay ni Madara.

Ipinanganak si Madara Uchiha noong Warring States Period at siya ring panganay sa limang magkakapatid. Si Madara pati na rin ang kanyang mga kapatid ay lumaki sa gitna ng labanan sa pagitan ng kanilang mortal na kalaban: ang mga Senju.

2. Uzumaki Naruto

Si Uzumaki Naruto ang jinjuriki ng Nine-Tails na ikinulong mismo ng kanyang ama sa kanya mula noong sanggol pa siya sa araw mismo ng kanyang kapanganakan. Ang bagay na ito ang siyang naging dahilan ng kanyang mga paghihirap kung saan lagi siyang kinamumuhian ng mga tao sa kanilang bayan dahil sa sakunang idunulot ng Nine Tails noong ito ay nakawala. Gayunpaman, mas lalong nagsumikap si Naruto upang makamit ang maaliwalas na pagtanggap sa kanya ng mga tao.

Siya ay napabilang sa Team Kakashi kasama sina Sasuke at Sakura. Kalaunan ay naging isang malakas na shinobi si Naruto kung saan kinilala siya bilang isang bayani hindi lamang ng kanyang mga kababayan kundi pati na rin ng buong mundo at nagbigay sa kanya ng bansag na “Hero of the Hidden Leaf”.

1. Uchiha Itachi

Si Uchiha Itachi ay isa sa mga pinaka magagaling na shinobi ng Konoha. Dahil sa kanyang angking galing ay lagi siyang nangunguna sa kanilang klase sa Ninja Academy at naging miyembro at captain ng ANBU sa kanyang murang edad. Kalaunan ay binansagan siyang kriminal matapos niyang paslangin ang buo niyang angkan at ang tanging itinira ay kanyang nakababatang kapatid na si Sasuke. Sumali siya sa pangkat ng mga Akatsuki, isang grupong binubuo ng malalakas na shinobi na sangkot sa ibat-ibang kasamaan.

Kinasusuklaman man ng kanyang sariling kapatid at mga tao ng bayan ng Konoha, ang bayan na ilang ulit niyang iniligtas sa ibat-ibang kapahamakan, ay hindi pa rin natitinag ang kanyang pagmamahal sa mga ito. Naisiwalat lamang ang katotohanan sa kabila ng mga ginawang sakripisyo ni Itachi noong siya ay namatay na. Sinasabi ring tinanggal na siya sa listahan ng mga kriminal matapos maging Hokage si Naruto na siyang isa sa mga nakakaalam ng mga bagay na kanyang nagawa noon.

BONUS! Namikaze Minato

Si Namikaze Minato ang siyang Ikaapat na Hokage ng Konohagakure. Kilala siya sa bansag na ibinigay sa kanya na “Yellow Flash of the Leaf”. Bago pa man maging Hokage ay nagpamalas na ng kakaibang talento at talino si Minato noong bata pa siya. Si Minato ay naging estudyante rin ni Jiraiya na siyang nagturo ng ibat-ibang kaalaman sa kanyang anak na si Naruto.

Hindi man nagmula sa mga malalaki at sikat na angkan, masasabing si Minato ay isa sa mga pinakatanyag at magagaling na shinobi ng Konoha na kung saan kinatatakutan siyang makasagupa sa labanan ng mga taga-ibang bayan. Siya mismo ang nagkulong ng kalahati ng chakra ng Nine-Tailed Demon Fox sa kanya at ang kalahati naman sa kanyang anak na si Naruto na noon ay sanggol pa lamang kung saan ibinuwis niya ang kanyang sariling buhay.

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.