Top 3 Anime Most Trending on Social Media Platforn

Patok ang Anime na My Dress-Up Darling sa mga Social Media Platform

Ang Attack on Titan at Demon Slayer ay ang mga nangungunang anime na kinapananabikan ng mga manonood linggu-linggo. Dahil ito sa mga nakakamanghang fight scenes at napakagandang storya ng mga karakter sa bawat anime na binanggit. Ganunpaman, may isang anime na hindi inakalang aakyat sa ratings kahit isa pa itong bagong anime at ngayon pa lamang nakilala. Ang anime na ito ay ang My Dress Up Darling. Sa mga lumipas na linggo, laging nagpapalit-palit ng posisyon ang Attack on Titan at Demon Slayer sa number 1 spot. Ngunit ngayong linggo ay makikitang umakyat sa ratings ang My Dress Up Darling at hinigitan pa ang dalawang sikat at malalaking anime.

Maraming nabigla dito at ang ibang fan ng AOT at Demon Slayer ay nagtaka kung paano nahigitan sa ratings ng My Dress Up Darling ang dalawang anime. Ganunpaman, marami ding nagbigay ng puri sa My Dress Up Darling at sinasabing may maganda itong storya at pagkakagawa. May mga netizen rin na nagsabing naiiba ito sa ibang mga romance anime at talagang mahu-hook ka sa istorya.

Ang anime na My Dress Up Darling ay base sa manga series na isinulat ni Shinichi Fukuda. Nagsimula siya sa larangan ng manga serialization noong January 2018 sa Square Enix’s Young Gangan magazine. Ang manga nito ay bumenta na ng mahigit sa 3.8 million copies.

Ang CloverWorks studio naman ang siyang nag-produce ng anime adaptation ng manga na nagsimulang i-ere noong January 8, 2021 sa Crunchyroll. Si Keisuke Shinohara naman ang director ng anime series nito at magkakaroon lamang ito ng 12 episodes.

Plot Summary

Si Wakana Gojo ay isang first-year high-school student na nangangarap na maging isang Hina doll craftsman. Isang araw sa kanyang unang semestre, nakita siya ng kanyang sikat na kaklase na si Marin Kitagawa na gumagawa ng mga costumae na manika sa silid ng paaralan. Si Marin, na matagal nang gustong mag-cosplay at naobserbahan ang husay ni Wakana sa pananahi, hiniling sa kanya na gumawa ng costume ng isang character mula sa isang video game na kanyang hinahangaan. Sa kabila ng katotohanan na si Wakana ay walang karanasan sa paggawa ng isang kasuotan o pang-cosplay at dito mag sisimula ang kanilang kwento.

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.