Season 3 at Spin-Off Series ng Konosuba inanunsyo na!
Ang isa sa pinakasikat na isekai anime na Konosuba: God’s Blessing on This Wonderful World! ay magkakaroon na ng kasunod na anime sequel ng Japan TV series nito. Ang balitang ito ay inihayag sa isang live event na may kasamang official confirmation at key visual.
Kamakailan lamang nagsagawa ng isang live event sa kanilang official YouTube channel ng Kadokawa Anime studio ang makers ng sikat na anime na ito kasama ang mga voice acting cast kung saan nila inanunsyo ang pagkakaroon nito ng ikatlong season. Ang Konosuba ay may genre na nabibilang sa comedy isekai series at hindi maikakailang isa ito sa mga pinakapopular sa generang ito.
Ang Konosuba Season 3 ay gagawin sa pangunguna ng Studio Drive na siya ring gagawa ng mga bago at darating pang anime ngayong taong 2022 (Uzumaki, To Your Eternity Season 2). Nabalitaan rin na ang siyang gagawa ng Season 3 nito ay ang mga original staff nito sa Studio Drive.
Maliban pa sa Season 3 nito ay inihayag rin na in-the-making na ang isang anime spin-off ng Konosuba na pinamagatang “Konosuba: An Explosion on this Wonderful World” at ang istoryang ito naman ay tungkol sa buhay ni Megumin bago pa man niya nakilala si Kazuma.
\🎊TVアニメ化決定🎊/
— アニメ『このすば』公式ツイッター (@konosubaanime) May 28, 2022
これは、最強の魔法にあこがれた、一人の少女の物語。#このすば の大人気スピンオフ『この素晴らしい世界に爆焔を!』のTVアニメ化が決定いたしました✨
ティザービジュアルを解禁! pic.twitter.com/68rhc2bo2d
Ang anime na Konosuba ay isang light novel, comedy, isekai series na isinulat ni Natsume Akatsuki and inilathala naman ni Kurone Mishima. Ito ay tungkol sa isang lalakeng napadpad sa isang fantasy world ng MMORPG pagkatapos niyang mamatay, si Kazuma Sato. Kailangan niyang makabuo ng isang adventuring party at dito niya unti-unting makikilala ang isang crusader, archwizard, at goddess.
Inilabas ang anime adaptation nito ng Studio Deen noong taong 2016 at nasundan naman agad ng pangalawang season noong 2017. Nagkaroon ito ng isa pang anime adaptation noong 2019 na ginawa ng J.C. Staff at sa ngayong taong 2022 ay kinumpirma nang magkakaroon ito ng ikatlong season at anime spin-off series mula sa ibang studio. Wala pang eksaktong petsa kung kailan ito ilalabas at mapapanood.
Synopsis
Premise. Following an untimely and embarrassing death, Kazuma Satō, a Japanese teenage shut-in NEET, meets a goddess named Aqua, who offers to reincarnate him in a parallel world with MMORPG elements, where he can go on adventures and battle monsters.
Kayo mga ka-anime, saan kayo mas na-eexcite? Sa Season 3 o sa spin-off series ng buhay ni Megumin? Anong masasabi niyo na gagawin ito ng Studio Drive? Halina’t ibahagi sa amin ang inyong opinyon…
Please comment now.