Google Ads

Disaster levels

Avatar

Disaster Levels

Information:

Tragedy, Catastrophe, Calamity

Avatar

Disaster levels
(災害レベル ) Saigai reberu


Ang ‘disaster levels’ ay ang iba’t-ibang uri ng paglalarawan mula sa Hero’s Association upang suriin ang antas ng mga panganib na dala ng mga halimaw o ng isang phenomenon. Mayroong limang lebel ng panganib na ginagamit ang Hero’s Association na sumasaklaw mula sa mga tao, ang buong siyudad hanggang sa buong mundo. Batay dito, ang Hero Association na rin ang magsasabi kung ano ang mas mainam na grupo ng mga bayani ang ipapadala sa mga lugar na ito depende sa kung anong threat level mayroon ang kalaban.

Ang mga sumusunod ay ang limang disaster level:
1. Wolf – ito ay ang pinakamababa na uri ng threat level at madalas na nangangailan lamang ng minor na tulong.
2. Tiger – ito ay maaaring makapagdulot ng panganib laban sa isang maraming tao.
3. Demon – ang panganib na ito ay sinasabing makakaapekto sa isang buong siyudad at mga tao mula rito.
4. Dragon – ang panganib na ito ay maaaring makaapekto hindi lamang sa iisang siyudad kundi maging na rin sa mga karatig lugar nito.
5. God – ito ang pinakamataas na uri ng panganib kung saan nailalagay ang kaligtasan ng buong sangkatauhan mula dito.

Sa limang disaster level na nabanggit ay ang ‘God’ disaster level na lamang ang hindi pa naipakita o lumabas sa anime ng One Punch Man.

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.