Hanamichi Sakuragi

Hanamichi Sakuragi information,Sino si Hanamichi Sakuragi tagalog, Sino si Hanamichi Sakuragi?, story of Hanamichi Sakuragi, Slamdunk tagalog dub

Hanamichi Sakuragi slamdunk image

Hanamichi Sakuragi

Gender: Male

Birthday: April 1

Age: 16 Years old

Other Information: He plays
as a Power Forward for the
Shohoku High School basketball
team.

Hanamichi Sakuragi mobile image

Hanamichi Sakuragi
(桜木 花道 )


Si Hanamichi Sakuragi ay ang pangunahing bida ng seryeng Slam Dunk. Siya ay gumaganap bilang isang Power Forward para sa Shohoku High School basketball team.

Dati si Sakuragi ay isang delingkwente sa high school, na marunong lang makipaglaban, at hindi sikat sa mga babae, dahil madalas siyang tinatanggihan. Ang kanyang mga kasamang sina Yohei, Ohkusu, Nozomi at Noma ay palagi siyang tinutukso sa kanyang mga kasawian sa mga babae, dahil sa kanilang ginagawa nakakatangap sila ng bukol sa ulo galing kay Sakuragi. Kinasusuklaman din ni Sakuragi ang basketball, dahil ang 50th girl na bumasted sa kaniya ay pinagpalit siya sa isang basketball player. Isang matangkad, hyperactive ngunit galit na teenager na walang swerte sa mga babae at pag-ibig.

Isang araw, nilapitan siya ng isang palakaibigang babae na nagngangalang Haruko Akagi at tinanong kung mahilig ba siya sa basketball, na-inlove agad si Sakuragi sa kanya at nagpasyang maglaro ng basketball para mapasaya siya. Ipinakita niya ang gym, ipinaalam sa kanya ni Haruko ang tungkol sa slam dunk, isa sa mga pinaka-exciting at epic na galaw sa basketball. Matapos mapansin na maaari niyang ilagay sa palad ang bola gamit ang isang kamay, hiniling sa kanya ni Haruko na subukang i-slam dunk ang bola, ginawa naman ito ni Sakuragi ngunit sa pamamagitan ng paghampas ng kanyang ulo sa backboard ng ring. Kahit na hindi niya naipasok ang bola, si Haruko ay humanga sa kanyang pagtalon, at nakumbinsi siya na sumali sa basketball team. Tuwang-tuwa si Sakuragi matapos siyang makahanap ng bagong pag-ibig sa Shohoku High School. Ang unang nalaman ni Sakuragi ay ang mag-dunk at lay-up ngunit sa ilalim ng pagsasanay ni Akagi, ang kanyang rebounding prowess ang naging pangunahing suporta para sa kupunan, na kung saan ay nakakuha siya ng isa pang palayaw na kilala ngayon sa buong prefecture ng Kanagawa dahil dito, "The King of Rebounds". Pagkatapos sa pagsasanay ni Coach Anzai, nagagawa niyang tapusin ang 20,000-shot sa loob ng isang linggo para lalo pang mapabuti ang kanyang shooting range. Sa kabila nito, sinabi ni Mito na ang pagtayo sa 45 degrees sa kanan ay nagbibigay kay Sakuragi ng mas mataas na rate ng pagpasok ng bola sa ring.

Maliban sa kanyang lakas at jumping power, mabilis din siyang makahabol para dumepensa, sa tulong ng kanyang malakas na stamina kaya niya sumabak sa laro ng buong game. Nasubukan ang mga ito nang hamunin siya ni Totsuka Tetsuya ng Ryokufu High School sa isang labanan ng bilis. Habang nagawa niyang malampasan si Sakuragi sa 1st half, mabilis siyang napagod nang patuloy na tumakbo ng mas mabilis si Sakuragi sa 2nd half. Maging si Sendoh ng Ryonan, ay itinuring ang walang katapusang stamina na meron itong si Sakuragi na isang malaking banta ang kanilang nakikita sa mga ganitong manglalaro.