Kurama
Information:
Centuries of being regarded as a mindless monster and sought after as a tool for war caused Kurama to hate humans.
Kurama (クラマ)
Ang unang jinchuuriki ni Kurama ay si Mito Uzumaki, asawa ni Hashirama. Si Kurama ay inilagay sa loob niya matapos siya kontrolin ni Madara. Pinipili ang mga Uzumaki dahil sa kanilang masaganang chakra o madaming chakra ng napapaloob sa kanilang katawan. Ang mga Uzumaki din ay isa sa pinagkakatiwalaan ng bayan ng konoha.
Si Kurama, o mas kilala sa tawag na Nine-Tails, ay isa sa siyam na ‘tailed beasts’. Ilang daang siglo na itinuring na isang mabangis na halimaw at ginawang sandata sa mga digmaan ang siyang nagtulak kay Kurama na kamuhian ang mga tao. Matapos siyang maikulong sa loob ni Naruto Uzumaki, pilit na ipinapanatili ni Kurama ang kaniyang pagkamuhi sa mundo at sa mga taong namumuhay dito. Ngunit sa pagpupursige ni Naruto na baguhin ang pananaw ni Kurama dito ay tuluyang nag-iba at napalitan ang galit na kinimkim ni Kurama ng napakaraming taon. Mula noon ay sinimulan ni Kurama na gamitin ang kanyang buong kapangyarihan para sa kaligtasan ng mga tao na dati ay kinamumuhian niyang lubos.
Nang matapos ang Ikatlong Shinobi World War, kinumpirma ng Ikatlong Hokage kay Minato na mananatiling nakakulong sa loob ni Kushina si Kurama maging sa kanyang panganganak sa kanyang sanggol na si Naruto noong gabi ng Oktubre 10. Ginawa mang isang sikreto ang panganganak ni Kushina, isang lalaking nakasuot ng maskara na nagngangalang Tobi ang tumunton sa lugar kung saan siya manganganak at pinatay lahat ng mga bantay dito. Kasunod nito ay ginawa niyang bihag si Naruto na siyang dahilan at nagtulak kay Minato na iligtas ang kanyang sanggol pa lamang na anak at iteleport ito sa isang ligtas na lugar. Matapos makuha ni Tobi si Kushina, pinakawalan niya at inilipat sa kanyang kontrol si Kurama at sinubukang patayin ang nag-iisang jinchuriki na mayroon ito. Nagawang maabutan ni Minato ito at iniligtas si Kushina. Bigo man sa pagpaslang kay Kushina ay pinakawalan ni Tobi si Kurama sa gitna ng bayan ng Konoha at inutusang wasakin ito. Pinaghiwalay ni Minato ang ‘yin’ at ‘yang’ chakra ni Kurama na siyang dahilan upang lumiit sa kalahati ang laki nito.
Please comment now.