Takenori Akagi

Takenori Akagi information,Sino si Takenori Akagi tagalog, Sino si Takenori Akagi?, story of Takenori Akagi, Slamdunk tagalog dub

Avatar

Takenori Akagi

Gender: Male

Birthday: May 10

Age: 18 Years old

Other Information: The team
captain and Center of the
Shohoku basketball team.

Avatar

Takenori Akagi
(石神千空)


Si Takenori Akagi ang Captain at sentro ng Shohoku Basket ball Team, siya ay isang mahigpit at responsableng team captain ng Shohoku Basketball team. Siya ang nagpapatupad ng disiplina ng kanyang mga teammates lalo na kay Hanamichi Sakuragi. Tulad ng nilarawan ng kanyang kapwa miyembro sa basketball team, siya ay napakaseryosong tao at magalang sa mga nakakatanda. Pinahahalagahan niya ang isang tao na gusto ang kalinisan at masipag sa anumang bagay. Siya rin ay isang mag-aaral na masipag at matalino sa kanilang klase. Sinasama niya ang larong basketball sa kanyang pag-aaral dahil isa ito sa kanyang mga hilig at nag-papasaya sa kanyang buhay. Kaya isa sa mga ayaw ni Akagi sa isang tao ay yung tipong di kaya respituhin ang larong basketball.

Sa kabila ng pagiging mahigpit, patuloy niyang pinapaalala kay Sakuragi ang kanyang layunin sa court ay rebound at bilang isang pangunahing manlalaro kailangan maging alisto sa bawat segundo. Isa lamang ang laging sinasabi ni Akagi sa kanyang mga teammates, yun ay makapasok at makalaro sa National Championship at maging isang Pambansang Kampeonato sa buong Japan.

Si Akagi ay gumaganap bilang isang malakas na sentro sa kanilang team, gamit ang kanyang taas at laki ng kanyang katawan pinipigilan niya ang mga kalaban na maka puntos. Ang pinakakilala na sikat na meron si Akagi ay ang kanyang “Gorilla Dunk” na nagmula sa kanyang palayaw, "Gori", na mismong nagbansag ay si Sakuragi. Sumikat ang katagang “Gorilla Dunk” sa mga pinoy na ikinatuwa ng mga manonood.

Siya ay kinikilala bilang isang halos walang kapantay na tagapagtanggol sa ilalim ng basket kasama ang kanyang "fly-swatter" block. Isa rin siyang malakas na rebounder at natuto si Sakuragi sa ilalim ng kanyang pag-aalaga. Maraming mga manlalaro ang nakapansin sa kanyang kagalingan lalo na sa kanyang role na pagiging center na kadalasang nagiging puso ng buong team.
Napakaprotective rin ni Akagi sa kanyang kapatid na si Haruko Akagi. Siya rin ang nagturo sa kanya ng lahat ng tungkol sa basketball simula pa noong maliliit pa sila. Palagi niyang sinisigurado na walang nanliligaw sa kanya. Minsan nakikita niya si Sakuragi na lumalapit kay Haruko, doon palang ay hinahatak na ni Akagi si Sakuragi palayo kay Haruko.