Quirk
Information:
A superhuman ability that a person can possess. Along with being unique to each user, Quirks are sorted into multiple categories.
Quirk (ç™–) Kuse
Ang ‘Quirk’ o dating tinatawag na ‘Meta Ability’ ay isang superhuman na abilidad o kapangyarihan na maaaring magkaroon ang isang tao.
Iba-iba ang klase ng mga quirk na meron ang bawat tao. Ito ay may natatanging kategorya na kinabibilangan. Ang isang tao ay may limit lamang ng iisang quirk at hindi maaaring magtaglay ng higit pa sa isang ‘quirk’.
Ang pinakaunang Meta Ability ay nasaksihan sa Qing qing City, China kung saan ang isang sanggol ay may kakayahang maglabas ng liwanag mula sa kanyang katawan. Mula noon, iba’t-ibang mga meta ability pa ang lumitaw sa iba’-t-ibang parte ng mundo. Hindi man tiyak kung ano ang dahilan at kung saan nagmula ang meta ability na mga ito ay pinaniniwalaang ang dahilang umano nito ay ang pagkalat ng isang hindi kilalang virus mula sa isang daga. Ang teoryang ito ay sinasabi namang walang matibay na ebidensya upang maging totoo.
Ang ‘quirks’ ay sinasabing ang sunod na yugto ng ebolusyon ng sangkatauhan. Maaari namang malaman kung ang isang tao ay nagtataglay ng quirk o hindi sa pamamagitan ng pagtingin kung ito ay meron o walang extra na buto sa kanilang kasukasuan. Ang mga taong may iisang buto lamang sa kanilang kasukasuan ay nakakapagdevelop ng kanilang quirk, at ang mga taong may dalawang buto sa kasukasuan ay madalas na pinaniniwalaang ‘quirkless’.